Walang makakapigil sa aking magmapuri


2 Corinto 11:10 Kung paanong nasa akin ang katotohanan ni Cristo, sinoman ay hindi makapipigil sa akin sa pagmamapuring ito sa mga dako ng Acaya.

Walang makapipigil kay Pablo na magmapuri. Lenggwahe ni Pablo iyan. At kung okey kay Pablo, okey na rin sa akin. Ngunit ano ba ang pagmamapuring sinabi ni Pablo? 

Ang sagot ay nasa v7 at sumusunod:

7 Ako nga baga'y nagkasala sa pagpapakababa ko sa aking sarili, upang kayo'y mangataas dahil sa ipinangaral ko sa inyo na walang bayad ang evangelio ng Dios?
8 Aking sinamsaman ang ibang mga iglesia, sa pagtanggap ko ng upa sa kanila, upang ipangasiwa ko sa inyo;
9 At pagka ako'y kaharap ninyo at ako'y nagkukulang ng ikabubuhay, ako'y hindi naging pasan sa kanino man; sapagka't mga kapatid nang sila'y manggaling sa Macedonia ay tumakip ng aming pangangailangan; at sa lahat ng mga bagay ay pinagingatan kong huwag maging pasanin ninyo, at magiingat nga ako.

Hindi katulad ng mga huwad na gurong nagtuturo para sa bayad, si Pablo ay nagturo nang walang bayad. Sa isang sarkasmo tinanong niya kung kasalanan ba ang magpakumbaba sa hindi paghingi ng bayad nang siya ay mangaral ng evangelio. Hindi siya katulad ng mga huwad na mangangaral na nagtuturo para sa bayad. Sa halip, ang kaniyang ministri sa Corinto ay pinondohan ng ibang simbahan, gaya ng mga taga-Filipos ng Macedonia. Hindi siya naging pasanin ng mga taga-Corinto at patuloy siyang maingat na hindi maging pasanin. 

Ito ang pagmamapuri ni Pablo. Ayaw niyang maging kagaya ng mga huwad na guro na nagpapabayad upang magturo. 

Kung kasalanan ang pagmamapuring ito, magkaibang Biblia ang ating binabasa. 




(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Ang Diyos ang Nagtatag ng Pamilya

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama