Memorizing Scriptures: Lucas 19:10

 



Lukas 19:10 Sapagka't ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala.

Luke 19:10[10]For the Son of Man has come to seek and to save that which was lost."

Mababasa natin sa kabanatang ito ang kwento ni Zaqueo, isang publikano. Sa mata ng mga Judio, siya ay isang taksil, dahil siya ay nagtatrabaho para sa mananakop ng Israel, ang mga Romano. Dahil sa ang kanilang kita ay mula sa kanilang mga sinisingil, hindi rin kilala ang mga publikano sa pagiging tapat; madalas na sila ay naniningil nang higit sa dapat. Ganuon pa man ang biyaya ng Diyos ay walang pinipiling tao. Sa lahat ng nagnanais na makilala ang Diyos (ang pagnanais ni Zaqueo na makita si Jesus sa kabila nang kaniyang mababang tindig) ay indikasyon ng pagnanais niyang magkaroon ng relasyon sa Diyos. 

Napakababa ng tingin ng mga Judio kay Zaqueo na siya ay tinawag nilang "makasalanan." Nakalulungkot na ang mga "banal" at "matuwid" (sa kanilang sariling paningin) ay binababa sa halip na tinataas ang tinuturing nilang "makasalanan." Salungat sa saloobin ng mga relihiyonista, si Jesus ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala. Hindi Siya dumating upang hukuman sila, dahil bilang Manggagamot ng kaluluwa, ang hinahanap Niya ay ang maysakit, hindi ang nagpapalagay na sila ay matuwid. May ilang nagpapalagay na ang kaligtasang dumating sa bahay ni Zaqueo ay patungkol sa mas malalim na relasyon kay Cristo (naligtas siya sa sandaling manampalataya kay Jesus na makikita sa pagnanais niyang makita si Jesus; bago pa niya makita si Jesus, nanampalataya na siya). Mayroon namang iniisip na ang kaligtasan ay ang pagkakaroon ng buhay na walang hanggan. Alin man sa dalawa ang inyong pananaw, si Jesus ang Tagahanap at Tagapagligtas ng lahat ng nawala (mapa-mananampalataya man na nawala sa pakikisama sa Diyos dahil sa kasalanan o mga hindi mananampalatayang walang buhay na walang hanggan). Tunay na ang kasagutan ay nasa Persona ni Jesus. 

Nanampalataya ka na ba sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan? 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Ang Diyos ang Nagtatag ng Pamilya

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama