Magmamapuri sa Kahinaan
2 Corinto 12:9 At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.
Sa v1 at sumusunod nilarawab ni Pablo ang isang bagay na maaari niyang ipagmapuri (paulit-ulit na ginamit sa kabanatang ito ang iba't ibang porma ng salitang KAUCHAOMAI)- ang rebelasyong ipinakita sa kaniya. Ngunit dahil hindi naman ito kapakipakinabang, hindi siya magmamapuri upang huwag mapagsabihan nang hindi maganda ang katotohanan. Upang maiwasan niyang magmataas (paulit-ulit ding ginamit ang iba't ibang porma ng Griyegong HUPERAIRO), si Pablo ay binigyan ng Diyos nang tinik sa tagiliran. May nagsasabing ito ay partikular na karamdaman, may nagsasabing ito ay demonyo ngunit ang layon ay iisa- upang huwag siyang magmataas sa kaniyang rebelasyong tinanggap kundi umasa sa kapangyarihan ng Diyos.
Dahil dito sa v9, nagdesisyon si Pablong magmapuri (muli porma ng KAUCHAOMAI- rejoicing, glorying, boasting) sa kaniyang kahinaan (kung anuman ang tinik sa tagiliran). Bakit? Dahil sa kahinaan ni Pablo, nasasakdal ang kapangyarihan ng Diyos. Samakatuwid, mas nakikita ang kapangyarihan ng Diyos sa buhay ng mga Cristianong kinikilala ang kanilang kahinaan.
May mga bagay na hindi dapat ipagmapuri (KAUCHAOMAI) gaya nang rebelasyong natanggap ni Pablo dahil ito ay nagreresulta sa pagmamataas (HUPERAIRO). Ngunit may mga bagay na dapat ipagmapuri gaya ng kahinaan dahil ito ang nagsasakdal sa kapangyarihan ng Diyos. Pili kayo ng ipagmamapuri.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment