Magmapuri sa Panginoon


2 Corinto 10:17 Datapuwa't ang nagmamapuri ay magmapuri sa Panginoon.

2 Corinthians 10:17[17]But he who boasts is to boast in the Lord.

Para sa karamihan, ang mga salitang pagmamapuri at Panginoon ay hindi maaaring masumpungan sa parehong pangungusap at mayroong positibong kahulugan. Madalas dahil sa pagmamapuri sa kanilang sariling kapakumbabaan (huh?), iniisip ng marami na ang tanging paraan upang magsama ang pagmamapuri at Panginoon sa iisang pangungusap ay kapag kinokondena ng Panginoon ang pagmamapuri. Hindi sang-ayon si Pablo. 

Mula sa v13 makikita natin ang serye ng gamit ng positibo at negatibong gamit ng iba't ibang porma ng Griyegong KAUCHAOMAI. Ayon na rin kay Pablo, hindi niya ugaling ikumpara ang kaniyang sarili sa iba (v12), sa halip ang magmapuri lamang sa trabahong binigay ng Diyos. Hindi pagmamalabis ang kaniyang pagmamapuri sa mga taga-Corinto dahil ang katotohanan ay siya ang naunang nagbahagi sa kanila ng Salita; hindi siya nagtayo sa pundasyon ng iba. Sa halip na magmapuri sa pamamagitan ng pagkukumpara sa iba, sinabi ni Pablong magmapuri ang tao sa Panginoon. Magpokus sa trabahong binigay ng Diyos dahil ang Diyos ang magbibigay ng resulta, hindi ang ikumpara ang trabaho sa trabaho ng iba. Ito ang pagmamapuri sa Panginoon.

Ilang ministro ang walang tigil sa pagkukumpara ng kaniyang trabaho sa trabaho ng iba. Nakukuha niya ang kaniyang kasiyahan sa pag-aakalang mas marami siyang nagawa kaya mas magaling siya. Ngunit ang tunay na kapurihan ay ang gawin ang anumang binigay sa iyo ng Diyos, ang pagtayo sa sariling pundasyon at hindi sa pundasyon ng iba. Sa madaling salita, hindi sa pag-aangkin ng pinagtrabahuhan ng iba bilang kaniya. Ibigay ang kredito sa sinuman karapatdapat ng kredito; ang kapurihan ng isang ministro ay hindi ang pagtayo sa pinagtayuan ng iba. Maraming away ang maiiwasan kung ang bawat isa ay magtatayo sa sariling pundasyon at hindi sa pundasyon ng iba.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Ang Diyos ang Nagtatag ng Pamilya

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama