Isang Pag-aaral sa Galatia 3:4-5



Basahin ang mga sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong. 


Galatia 3:4 Kayo'y hiwalay kay Cristo, kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula sa biyaya.

5 Sapagka't tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay naghihintay ng pangako ng katuwiran.


1. Ano ang ibig sabihin ni Pablo sa "kayo'y hiwalay kay Cristo, kayong nangagiibig na ariing ganap/matuwid sa Kautusan? 

2. Base sa v4, ilang relihiyon ang hiwalay kay Cristo dahil sa pagnanais na maligtas sa pamamagitan ng Kautusan?

3. Ang mga taong ito ay nangahulog mula daw sa biyaya. Ano ang kahulugan ng nangahulog mula sa biyaya? Sa paanong paraan ang pagnanais na ariing ganap sa pamamagitan ng Kautusan pagkahulog mula sa biyaya? 

4. Sino raw ang naghihintay, literal na may kumpiyansang umaasam, ng pangako ng katuwiran? Ang mga sumusunod ba sa Kautusan ngunit hulog mula sa biyaya? O ang may pananampalataya?

5. Ano ang nag-iisang kundisyon upang magtamo ng pangako ng katuwiran?


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Ang Diyos ang Nagtatag ng Pamilya

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama