Isang Pag-aaral sa Galatia 3:23-24
Basahin ang mga sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Galatia 3:23 Nguni't bago dumating ang pananampalataya, ay nabibilanggo tayo sa ilalim ng kautusan, na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya ay ipahahayag pagkatapos.
24 Ano pa't ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.
1. Bakit kinumpara ang Kautusan sa kulungan? Sino ang nagnanais na manatili sa kulungan?
2. Nang dumating ang pananampalataya, tayo ay nagkaroon ng kalayaan. Bakit mas pinipili ng mga tao ang pagkabilanggo sa Kautusan kaysa kalayaan sa pananampalataya kay Cristo?
3. Ano ang ginagampanang papel ng Kautusan?
4. Ayon sa v24, paano ang tao inaaring-ganap o inaaring matuwid?
5. Ano ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng katuwiran o upang ariing-ganap/ariing matuwid ayon sa mga tekstong ito?
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment