Isang Pag-aaral sa Efeso 1:7
Basahin ang sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Efeso 1:7 Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,
1. Ayon sa teksto, ano raw ang taglay ng isang Cristiano?
2. Paano nagkaroon ng katubusan ang mga Cristiano? Sa pamamagitan ba ng Kautusan? Kung oo, bakit kailangang mabubo ang "Kaniyang dugo?"
3. Ano ang ibig sabihin ng "ating katubusan?"
4. Ano ang pamantayan ng "katubusan" o ng "kapatawaran ng ating mga kasalanan?"
5. Ikumpara ito sa Efeso 1:13 at Efeso 2:8-9. Paano natamo ng isang tao ang kapatawaran o katubusanh ito? Ano ang nag-iisang kundisyon upang matamo ito?
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment