Isang Pag-aaral sa Gawa 11:20



Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong. 


Gawa 11:20 Datapuwa't may ilan sa kanila, mga taong taga Chipre at taga Cirene, na, nang sila'y magsidating sa Antioquia, ay nangagsalita naman sa mga Griego, na ipinangangaral ang Panginoong Jesus.

21 At sumasa kanila ang kamay ng Panginoon: at ang lubhang marami sa nagsisisampalataya ay nangagbalik-loob sa Panginoon.


1. Sino ang "ilan sa kanila" na tinutukoy sa teksto? Ano ang bahagi ng mga "nagsipangalat", at ang mga ito ay ordinaryong miyembro, hindi mga misyonaryo o pastor, sa pangangaral ng Panginoong Jesus?

2. Ito ang unang halimbawa ng malawakang pagbabahagi ng mabuting balita sa mga Gentil (si Pedro ang ginamit ng Diyos na buksan ang pintuan sa Gawa 10), ikumpara ang v20 sa v19. Paano ang evangelio naging daan upang matibag ang harang sa pagitan ng mga lahi? Hint: Roma 3:23. 

3. Ano ang mensaheng dala ng mga "ilan sa kanila" na ito?

Tama o Mali

3.1 Nangaral sila ng relihiyong pinangalan kay Cristo.

3.2 Nangaral sila ng relihiyong nakatatag kay Pedro.

3.3 Nangaral sila ng Sampung Utos.

3.4 Nangaral sila ng mabuting gawa.

3.5 Nangaral sila ng pananampalataya sa Panginoong Jesus para sa kaligtasan. Tingnan ang v14 ng kabanatang ito. 

4. Ano ang paksa ng pangangaral ng "ilan sa kanila" at ang nag-iisang kundisyon upang ang tao ay maligtas?


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.




Comments

Popular posts from this blog

Mangagtanggapan kayo

Huwag mangaghatulan sa isa't isa

Mangagibigan Kayo sa Isa't Isa, Part 2