Isang Pag-aaral sa Gawa 11:17




Basahin at sagutin ang mga tanong.


Mga Gawa 11:17 Kung ibinigay nga sa kanila ng Dios ang gayon ding kaloob na gaya naman ng kaniyang ibinigay sa atin, nang tayo'y nagsisisampalataya sa Panginoong Jesucristo, sino baga ako, na makahahadlang sa Dios?

18 At nang marinig nila ang mga bagay na ito, ay nagsitahimik sila, at niluwalhati ang Dios, na sinasabi, Kung gayo'y binigyan din naman ng Dios ang mga Gentil ng pagsisisi sa ikabubuhay.


1. Ang teksto natin ay bahagi ng paliwanag ni Pedro sa kung anong nangyari sa bahay ni Cornelio (muli niya itong babanggitin sa Gawa 15). Ayon kay Pedro, nanampalataya ba ang pamilya ni Cornelio?

2. Pansining hindi pa tapos magsermon si Pedro nang bumaba ang banal na Espiritu. Ngunit sa paliwanag ni Pedro, bumababa lang ang Espiritu sa nanampalataya. Ano ang itinuro ni Pedro na sinampalatayahan nila Cornelio?

3. Sa v18, makikita natin ang pagkilala ng mga Judiong mananampalataya na ang mga Gentil ay maaari ring maligtas. Ano ang "pagsisisi sa ikabubuhay?" Ikumpara ang gamit ng pananampalataya sa paralel na pasahe sa v17.

4. Ano ang kundisyon upang magkaroon ng buhay na wlaang hanggan?


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.




Comments

Popular posts from this blog

Mangagtanggapan kayo

Huwag mangaghatulan sa isa't isa

Mangagibigan Kayo sa Isa't Isa, Part 2