Memorizing Scriptures: Mateo 10:24


Mateo 10:24 Hindi mataas ang alagad sa kaniyang guro, ni hindi rin mataas ang alila sa kaniyang panginoon.

Matthew 10:24
[24]"A disciple is not above his teacher, nor a slave above his master.

Sa Mateo 10, sinugo ng Panginoong Jesucristo and Kaniyang mga apostol upang lumakad at mangaral ng evangelio. Sinugo Niya sila bilang Kaniyang mga emisaryo sa bansang naghihintay sa Kaniyang maging hari (anong saklap na hindi nila alam na Siya ang kanilang hinahanap). Mula sa utos na ito, marami tayong mapupulot na aral, kabilang na ang katotohanang ang mga emisaryo ng Hari ay makararanas ng pagtakwil ngunit may gantimpala sa mga magtitiis at magpapatuloy. 

Kung nagawa ng bansang Israel na itakwil si Jesus, itatakwil din sila ng bansa. Hindi nila ito dapat tanggapin bilang personal na pagtakwil kundi pagtakwil sa Kaniyang Persona. Kailangan nilang magpatuloy sa ibang bukas sa mensaheng dala ang pangakong may paghuhukom sa mga nagtakwil. Hindi sila dapat maabala sa kanilang pangangailangan sapagkat ang pangangailangan ay matutugunan sa kanilang katapatan ng mga taong karapatdapat. Dahil sa hindi sila nakakataas sa Guro, huwag silang umasa nang mas mabuting trato, itatakwil din sila gaya ng pagtakwil sa Kaniya. Ngunit sa mga magpapatuloy, na nagpapahayag ng pangalan ni Cristo, sila ay pagpapalain, ihahayag ni Cristo ang kanilang pangalan sa harap ng Ama. Ito ay pangako ng gantimpala. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.



Comments

Popular posts from this blog

Mangagtanggapan kayo

Huwag mangaghatulan sa isa't isa

Mangagibigan Kayo sa Isa't Isa, Part 2