Isang Pag-aaral sa Juan 6:35



Basahin ang teksto sa baba (kung maaari ay ang buong kabanata) at sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Juan 6:35 Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Ako ang tinapay ng kabuhayan: ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma'y hindi mauuhaw.

36 Datapuwa't sinabi ko sa inyo, na nakita ninyo ako, at gayon ma'y hindi kayo nagsisampalataya.


1. Ito ang isa sa mga "Ako" o "I Am" na mga kasabihan ng Panginoon. Sa mga mambabasa ng Lumang Tipan (LT), ito ay isang paalala ng Exodo 3:14 kung saan ang Diyos ay nagpakilala bilang, "Ako si Akong Nga." Ano ang signipikansiya ng paggamit ni Jesus ng pangalang nauugnay sa pangalan ng Diyos sa LT?

2. Si Jesus ay nagpakilala bilang tinapay ng kabuhayan. Ilista ang mga paraang naiiba ang tinapay ng kabuhayan sa tinapay na binahagi sa at hinahanap ng mga Judio sa unang bahagi ng Juan 6. 

3. Ang lumalapit at sumasampalataya sa Panginoon ay hindi kailan man mauuhaw o magugutom. Ano ang implikasyon nito sa buhay na Kaniyang inaalok sa mga nananampalataya sa Kaniya? Ito ba ay pansamantala lamang o eternal at hindi maiwawala?

4. Bakit hindi nananampalataya ang mga Judiong kausap ni Jesus? Ano ang humahadlang sa iyo para sumampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan? 

5. Ano ang kundisyon na hinihingi sa pasaheng ito para magkaroon ng buhay na walang hanggan ("hindi kailan man mauuhaw o magugutom")?

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.



Comments

Popular posts from this blog

Mangagtanggapan kayo

Huwag mangaghatulan sa isa't isa

Mangagibigan Kayo sa Isa't Isa, Part 2