Isang Pag-aaral sa Juan 6:29



Basahin ang teksto (kung maaari mula sa v24) at sagutin ang mga sumusunod na tanong. 


Juan 6:29 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Ito ang gawa ng Dios, na inyong sampalatayanan yaong kaniyang sinugo.


1. Ayon sa Panginoong Jesus mismo bakit hinanap at sinundan ng mga tao si Jesus? Sa paanong paraan ito nahahawig sa mga tao ngayon?

2. Sa v27 may paghahambing na ginawa si Jesus sa pagitan ng dalawang pagkain. Ano kaya ang mga pagkainh ito at ano ang kanilang pagkakaiba?

3. Sa v27 hinamon ni Jesus ang mga tao na "magsigawa." Ano kaya ang gawa na hinihingi ni Jesus? Ikumpara ang iyong sagot sa sagot mismo ni Jesus sa v29. Magkapareho ba kayo ng sagot? 

4. Kung kayo ang sasagot sa tanong ng v28, ano ang iyong isasagot? Pag-anib sa relihiyon? Bautismo? Gawang karidad? Bakit kaya iniisip ng tao na mapagtatrabahuhan niya ang kaniyang kaligtasan? 

5. Ano ang gawa ng Diyos kung ang pag-uusapan ay kaligtasan? Tingnan ang v29 para sa sagot mismo ni Jesus. 

6. Bilang pagbubuod, ano ang nag-iisang gawang tatanggapin ng Diyos kung buhay na walang hanggan ang pinag-uusapan? Ano kung ganuon ang nag-iisang kundisyon ng buhay na walang hanggan?


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.




Comments

Popular posts from this blog

Mangagtanggapan kayo

Huwag mangaghatulan sa isa't isa

Mangagibigan Kayo sa Isa't Isa, Part 2