Isang Pag-aaral sa Juan 5:45



Basahin ang sumusunod na mga teksto at sagutan ang mga tanong. 


Juan 5:45 Huwag ninyong isiping ako ang sa inyo'y magsusumbong sa Ama: may isang magsusumbong sa inyo, sa makatuwid baga'y si Moises, yaong pinaglagakan ninyo ng inyong pagasa.

46 Sapagka't kung kayo'y nagsisisampalataya kay Moises, ay magsisisampalataya kayo sa akin; sapagka't tungkol sa akin siya'y sumulat.

47 Nguni't kung hindi kayo nagsisipaniwala sa kaniyang mga sulat, ay paanong magsisisampalataya kayo sa aking mga salita?


1. Sino ang nagsasalita at sino ang kinakausap sa v45?

2. Ano ang "tono" ng usapang ito?

3. Marami ang nagtitiwala sa Kautusan ni Moises upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit ayon sa tekstong ito (v46),  ano raw ang dapat mangyari sa mga nagsisisampalataya kay Moises? 

4. Ayon sa Galacia 3:24, ano raw ang ginagampanang papel ng Kautusan ni Moises? 

5. Paano ginagamit ng ilan ang Kautusan ni Moises sa maling paraan? Tingnan sa Gal 2:14-21. 

6. Ayon sa v47, nananampalataya ba talaga ang mga Judio sa sinulat ni Moises? Sa paanong paraan ito kapareho ng mga kasalukuyang tagapagtaguyod ng Kautusan para sa kaligtasan? 

7. Ano ang dapat gawin ng isang tao ayon sa tekstong ito kung gustong magkaroon ng buhay na walang hanggan? Ikumpara sa 5:24.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.



Comments

Popular posts from this blog

Mangagtanggapan kayo

Huwag mangaghatulan sa isa't isa

Mangagibigan Kayo sa Isa't Isa, Part 2