Isang Pag-aaral sa Juan 5:44



Basahin ang sitas at sagutin ang mga tanong.


Juan 5:44 Paanong kayo'y makapananampalataya, kayong nangagtatanggapan sa isa't isa ng kaluwalhatian at hindi ninyo pinaghahanap ang kaluwalhatiang nanggagaling sa tanging Dios?


1. Sino ang nagsasalita sa sitas na ito at sino ang Kaniyang kausap?

2. Ano raw ang dahilan kung bakit hindi nananampalataya ang Kaniyang kausap sa Kaniya?

3. Paano nakahahadlang ang pagtanggap ng kaluwalhatian o kapurihan sa mga tao sa pananampalataya sa Panginoong Jesus?

4. Nakaluluwalhati ba sa Diyos ang hindi pagsampalataya kay Jesus?

5. Nakaluluwalhati ba sa Diyos ang paniniwalang makapupunta ka sa langit sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ni Moises (sisilipin sa susunod na mga sitas), o paggawa ng kabutihan, o pag-anib sa relihiyon, o pagsunod sa mga rito at ritwal? 

6. Ayon sa tekstong ito ano ang ugnayan sa pagitan ng pananampalataya kay Jesus at pagluwalhati sa Diyos? Ano ang ugnayan sa hindi pagsampalataya kay Jesus at sa paghanap ng kaluwalhatian mula sa mga tao? 

6. Kanino ka lang pala dapat sumampalataya para sa buhay na walang hanggan? 

A. Relihiyon

B. Kautusan ni Moises

C. Sariling kabanalan

D. Panginoong Jesus

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Mangagtanggapan kayo

Huwag mangaghatulan sa isa't isa

Mangagibigan Kayo sa Isa't Isa, Part 2