Isang Pag-aaral sa Juan 5:39-40



Basahin ang mga sitas at sagutin ang mga tanong.


Juan 5:39 Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.

40 At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay.


1. Sino ang nagsasalita sa sitas na ito?

2. Sino ang Kaniyang kinakausap?

3. Ayon kay Jesus, ang Kaniyang mga kausap ay nagsasaliksik ng Kasulatan. Ito ay tumutukoy sa Lumang Tipan sapagkat hindi pa nasusulat ang Bagong Tipan. Bakit sinaliksik ng mga ito ang Kasulatan?

4. Ano ang ginagawa ng Kasulatan patungkol kay Jesus? V39 "ang mga ito'y ________________ sa Akin."

5. Naunawaan kaya ng mga mananaliksik ang sinasabi ng Kasulatan? Bakit? Bakit hindi? Tingnan ang sagot sa v40.

6. Ano ang patotoo ng Lumang Tipan tungkol kay Jesus? Tingnan ang 2 Timoteo 3:15 para sa kaparehong kaisipan. 


Magtanong. Magsuri. Magsaliksik. Huwag iasa ang kapalaran sa aral ng iba. Bumalik sa Biblia.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.



Comments

Popular posts from this blog

Mangagtanggapan kayo

Huwag mangaghatulan sa isa't isa

Mangagibigan Kayo sa Isa't Isa, Part 2