Isang Pag-aaral sa Juan 3:5



Basahin ang tekstong nasa ibaba at sagutan ang mga tanong:


Juan 3:5 Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.

6 Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.

7 Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli.


1. Ano ang katotohanang sinasabi ni Jesus sa v5?

2. Ayon sa Kaniya, paano ang isang tao makapapasok sa kaharian ng Diyos?

3. Ayon sa v6 bakit mahalaga ang ikalawang kapanganakan? Makapapasok ba ang ipinanganak ng laman sa kaharian ng Diyos?

4. Ikumpara ang v5 sa Ezekiel 36:25-26, ayon sa propesiya ni Ezekiel, ano ang gagawin ng Diyos sa mga papasok sa kaharian ng Diyos? 

5. Ikumpara ang v5 sa Tito 3:5 at Efeso 5:26. Paano nilinis ni Jesus ang mga mananampalataya kay Jesus?

6. Ikumpara ang v5-7 sa v16. Paano ang tao ipanganganak na muli?



(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.



Comments

Popular posts from this blog

Mangagtanggapan kayo

Huwag mangaghatulan sa isa't isa

Mangagibigan Kayo sa Isa't Isa, Part 2