Isang Pag-aaral sa Juan 3:3



Basahin at sagutan ang sumusunod na mga tanong.


Juan 3:3 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.


1. Sino ang nagtuturo sa sitas na ito? 

2. Sino ang kausap ni Jesus sa sitas na ito?

3. Ano ang paksang pinag-uusapan sa sitas na ito?

4. Dalawang ulit na binanggit ni Jesus na "Katotohanan, katotohanan" upang ipakita ang bigat ng Kaniyang sinasabi. Ano ang katotohanang tinuturo ni Jesus?

5. Ano raw ang kailangang mangyari upang ang tao ay makakita (at makapasok, tingnan ang v5) ng kaharian ng Diyos?

6. Sa paliwanag ni Jesus, ang kapanganakang uli ba ay pisikal o espirituwal sa kalikasan? Tingnan ang v4.

7. Kung ito ay espirituwal na kapanganakan at hindi sa pamamagitan ng pisikal na pagpasok muli sa sinapupunan ng ina, paano ito mangyayari? Tingnan ang paliwanag ni Jesus sa v16.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.



Comments

Popular posts from this blog

Mangagtanggapan kayo

Huwag mangaghatulan sa isa't isa

Mangagibigan Kayo sa Isa't Isa, Part 2