Isang Pag-aaral sa Juan 3:18-21



Basahin ang teksto at sagutan ang mga sumusunod na tankng.


Juan 3:18 Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.

19 At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa.

20 Sapagka't ang bawa't isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa.

21 Datapuwa't ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang mahayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa Dios.


1. Ayon sa v18 ano ang hantungan ng mga hindi sumasampalataya?

2. Ayon sa v18 ano ang dahilan ng kahatulan ng hindi mananampalataya?

3. Ayon sa v19 ano ang kahatulang naghihintay sa mga hindi sumasampalataya?

4. Kung minsan, sa pagbabahagi natin ng mensahe ng buhay na walang hanggan, maraming dahilan ang mga hindi mananampalataya. Ngunit ayon sa v19 ano ang tunay na dahilan kung bakit hindi ang tao nananampalataya?

5. Sa v20 ang gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw ngunit ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw. Paano nakahahadlang ang ating masasamang gawa upang manampalataya kay Jesus?

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.



Comments

Popular posts from this blog

Mangagtanggapan kayo

Huwag mangaghatulan sa isa't isa

Mangagibigan Kayo sa Isa't Isa, Part 2