Isang pag-aaral sa Juan 3:14



Basahin ang teksto at sagutan ang mga sumusunod na tanong.


Juan 3:14 At kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng tao;

15 Upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan.


1. Sa Juan 3:14 kinukumpara ang pagtaas sa Anak ng tao sa pagtaas ni Moises ng tansong ahas sa ilang. Ang kwento ay masusumpungan sa Bilang 21. Sa Bilang 21, ang mga Israelita ay nahaharap sa tiyak na kamatayan kapag nakagat ng ahas. Ano ang solusyon upang mabuhay at huwag mamatay sa Bilang 21?

2. Bukod sa pagtingin sa tansong ahas, mayroon pa bang IBANG hinihinging gagawin sa mga Israelita upang mabuhay at huwag mamatay?

3. Sa Juan 3:15 ano ang nag-iisang kailangang gawin ng isang tao upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?

4. Bukod sa pananampalataya, mayroon pa bang IBANG hinihinging gawin sa mga tao upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.



Comments

Popular posts from this blog

Mangagtanggapan kayo

Huwag mangaghatulan sa isa't isa

Mangagibigan Kayo sa Isa't Isa, Part 2