Dukha at Pantas, part 2



Ecclesiastes 4:15 Aking nakita ang lahat na may buhay, na nagsisilakad sa ilalim ng araw, na sila'y kasama ng bata, ng ikalawa, na tumatayo na kahalili niya.16 Walang wakas sa lahat ng bayan, sa makatuwid baga'y sa lahat na pinaghaharian niya: gayon ma'y silang darating pagkatapos ay hindi mangagagalak sa kaniya.Tunay na ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

Hati ang mga komentaryo kung may dalawa o tatlong persona ang pinag-uusapan dito. Ngunit may kinalaman ito sa isolasyong naranasan dahil sa kawalan ng pagnanais na matuto sa iba.

"Aking nakita ang lahat na may buhay, na nagsisilakad sa ilalim ng araw, na sila'y kasama ng bata, ng ikalawa, na tumatayo na kahalili niya." Maaaring nangangahulugan ito na ang mga tao ay kampi sa ikalawang kabataang humalili sa mangmang na hari o may ikatlong bata na pumalit sa batang pumalit sa hari. Samakatuwid hindi pa nagtatagal ang ikalawang bata sa pwesto, may ikatlong tao, ang "ikalawa na tumatayong kahalili niya" ay pinili na ng mga tao. Ito ay komentaryo sa fickle-mindedness ng mga tao. 

"Walang wakas sa lahat ng bayan, sa makatuwid baga'y sa lahat na pinaghaharian niya: gayon ma'y silang darating pagkatapos ay hindi mangagagalak sa kaniya.Tunay na ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala." Gaano man kalawak ang kaniyang kaharian "walang wakas sa lahat ng bayan," hindi siya makararanas ng kasiyahan dagil "ang mga darating pagkatapos niya ay hindi mangagagalak sa kaniya." Ilang tao ang nagsikap upang marating ang tuktok upang matuklasan lamang na kahit ang pinakamataas na posisyun ay hindi nagdadala ng kasiyahan kundi sakit ng ulo at problema. Lahat ng ito ay walang kabuluhan at paghahabol sa hangin. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.




Comments

Popular posts from this blog

Mangagtanggapan kayo

Huwag mangaghatulan sa isa't isa

Mangagibigan Kayo sa Isa't Isa, Part 2