Wala akong time magbasa ng Biblia
Wala akong time magbasa ng Biblia.
Hindi ko matiyagaan, sorry sa iba na lang.
Ang mahalaga ay tagos sa puso ko ang pagmamahal sa Kaniya. Kahit hindi ako nagbabasa ng Biblia, alam ng Diyos na mahal ko Siya.
Excuses.
Marami tayong excuses para huwag magbigay ng oras sa Kaniyang Salita.
At kung wala tayong maibigay, siguradong bibigyan ka ni Satanas ng dahilan.
May time tayo sa barkada, sa bisyo, sa hobby, sa FB... Pero walang time sa Bible.
Kung bigyan tayo ng guro natin ng performance tasks na hindi natin alam gawin, gagawa tayo ng paraan upang maka-comply. Magyu-Youtube, PinIt, magcha-Chat GPT. Pero pag dating sa Bible, kuntento na tayo sa excuse na wala kasi tayong gift or training.
Kung may task na binigay si Boss kahit gabi na, gagawan natin ng paraan. Pero kapag Bible, bahala na si Brother ganito at ganiyan.
Hindi natin magagamit na excuses ang kakulangan ng oras o kakayahan upang takasan ang personal na pagsisiyasat ng Kasulatan. Especially ngayong maraming excellent resources sa internet.
It boils down to willingess.
There is no excuse not to acquire information needed to live the spiritual life.
Lahat tayo ay pare-parehong may 24 oras. Trabaho nating i-maximize ang paggamit nito. Sabi nga ni Paul, "Redeem the time."
Seize the moment. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo magkakaroon ng kalayaang mag-aral ng Biblia.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment