True happiness comes from the Scriptures

 



1 Thessalonians 1:6-7 [6]You also became imitators of us and of the Lord, having received the word in much tribulation with the joy of the Holy Spirit, [7]so that you became an example to all the believers in Macedonia and in Achaia.

What makes you happy? Because whatever makes you happy influences your choices and actions.

Kinikilala ito ng mga secular educators. Sinasabi nilang kapag ang learning ay nagdadala ng happiness sa bata, they will learn better kaysa sa isang material na nagdadala ng boredom. That is why as a teacher, parte ng aming lesson ang motivation, to generate interest and we have to make sure that our lesson isn’t boring.

Ano ang nagpapasaya sa iyo?

Kung ang kasiyahan mo ay ang sanlibutan, siguradong sa sanlibutan ka magugugol ng oras. Kung ang kasiyahan mo ay nasa mga bagay ng sanlibutan, lalaanan mo ng oras ang mga bagay ng sanlibutan.

Ang sanlibutan ay temporal at kung dito mo ilalagak ang iyong pag-asa, makikita mo ang gawa ng iyong mga kamay na masusunog (2 Pedro 3). Ngunit ang Salita ay eternal, at ganuon din ang nag-iingat nito sa kanilang mga puso, (1 Juan 2).

Kung ang kasiyahan mo ay nasa Salita ng Diyos, babasahin at aaralin mo ito. Tatanggapin mo itong gaya ng pagtanggap ng mga taga-Tesalonica.

Ang resulta ay malinaw- sila ay naging halimbawa sa mga taga-Macedonia at Acaya.

Ang buhay nila ay may impact dahil ang kasiyahan nila ay nasa Salita.

Ikumpara iyan sa paksiyonalismo at pag-aawayan sa hanay ng mga sinulatan ni Santiago (Santiago 4).

Ang bunga ay maghahayag ng estado ng puso. Ang taong may kasiyahan sa Salita ng Diyos ay may kapayapaan. Ang taong kaibigan ng sanlibutan ay wala. Kalaban sila ng Diyos.

Sabi ni Jesus hindi mo mapaglilingkurang sabay ang Diyos at ang mamon. Hindi sapat ang hating-puso. Ang hinihingi ng Diyos ay buong puso, buong kaluluwa at buong isip.

If we are to spend eternity with God, we should start finding happiness in His Word. Open His Word daily.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

https://faithalone.org/ebooks/santiago/



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION