Rule your spirit

 



Proverbs 16:32 [32]He who is slow to anger is better than the mighty, And he who rules his spirit, than he who captures a city.

Isa sa mga bunga ng Espiritu sa buhay ng lumalagong Cristiano ay ang pagkakaroon ng self-control. Sa halip na bumigay sa pita ng laman o sa impluwensiya ng sanlibutan o sa panunukso ni Satanas, ginagamit Niya ang kapangyarihan ng Espiritu upang supilin ang sarili.

This is not just a theoretical thing. Kahit sinong atletang tanungin mo ay sasabihin sa iyong higit sa skills, self-control is very important as an element of success.

Ang taong laging nasa kontrol ng kaniyang laman o ng ibang tao ay isang alipin. At bilang alipin, wala siyang kakayahang isaayos ang kaniyang kapalaran. Sa halip na patakbuhin ang kaniyang buhay nang ayon sa nais niya, nabubuhay siya sa hinlalaki ng kaniyang mga pita, alipin nito o ng ibang tao, sunud-sunuran upang makuha ang kanilang aprubal.

Ngunit kontrolin mo ang iyong mga Ms: mind, mouth, moves, morning, meal, money and mood. Kapag nagawa mo ito, magagawa mo ang kahit anong nais mong gawin.

Control your mind because this is where everything starts. Kung ang laman ng iyong isipan ay basura, natural puro basura rin ang bunga sa iyong buhay. Fill your minds with God’s Word. Read good books. Discuss with other people. Learn from people more knowledgeable than yourself. Learn skills and trade.

Control your mouth. Ilang taong pinahamak ng kanilang bibig. Don’t let your mouth betray you. Sabi ni James,bang makagawa nito is a mature man. We cannot do it on our own but we can if we cooperate with the Spirit.

Control your moves. Huwag basta basta. Huwag iyong puro ikot walang patutunguhan. Kada kilos ay dapat may purpose. Kada kilos ay glorifying to God and edifying sa kapwa. Kada kilos ay umaabot sa iyong goals sa buhay. Napakaikli ng buhay upang gumawa ng sayang na kilos.

Control your morning. Use the morning to worship God. Use it to discipline the body. Use it to improve the mind. Huwag hayaang kainin ang iyong umaga ng pahiga-higa, paselpon-selpon tapos naubos ang araw na walang ginawa. Hindi maibabalik ang oras. Seize the moment.

Control your meals. Siguro kung may kontrol ang karamihan sa bagay na ito, maraming sakit ang maiiwasan. Eat to fuel your day, not to eat to excesses. Gluttony iyan. Huwag mong sirain ang iyong katawan dahil sa excessive eating. We eat to live, not live to eat.

Control your money. It is a divine stewardship. It is not meant for your personal pleasure. Give to the Lord’s work. Give to needy people. Yes hindi mo matutulungan lahat ang a measure of wisdom is needed here, but you can mitigate the effects of hardships to the people you helped. Remember ang nagpapautang sa mahirap ay nagpapautang sa Panginoon. Hindi man sila makabayad, ang Diyos ang gaganti.

And finally control your mood. Gaya ng sabi ng Proverbs, he who controls his anger is better than the mighty. Madaling kontrolin ang iba, mas mahirap kontrolin ang sarili. He who controls his spirit is better than he who conquers a city. Sabi ni James hindi gumagawa ng katuwiran ng Diyos ang galit. Have the inner peace na hindi magagalaw ng panlabas na sirkumstansiya.

If you want to change the world, start with yourself. If everyone will follow this, we’ll have a better society, or at least a better church.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

https://faithalone.org/ebooks/santiago/



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION