Papay moment

 


Psalms 133:1 [1]Behold, how good and how pleasant it is For brothers to dwell together in unity!

This is one of my most favorite moment and not because of the food. Sabi ni Nash Ephraim, "Tito moment ka na dad."

Ang ibig niyang sabihin ay habang pinapanuod ko ang aking mga anak at mga pamangkin habang nagluluto ng pagkain, natutuwa ako nang husto. Nakakatuwang makita ang mga miyembro ng iyong pamilyang tulong-tulong upang maging maayos ang delayed celebration ng New Year at pasasalamat sa pagganda ng pakiramdam ni Tatay. 

Para sa hindi nakakaalam, December 30 sumama ang pakiramdam ni Tatay at December 31 ng pinasok siya sa ospital. Doon na nila sinalubong ang Bagong Taon. Nagdesisyon kaming hindi maghahanda hanggang hindi nakakalabas si Tatay kaya hapon na ng Enero 1 nang magsimulang mag-prepare ang mga apo ni Tatay na maghanda. 

Ang siste- pinaghalong New Year and Thanksgiving ang nangyari. Delayed na pagdiwang ng taon at pasasalamat na maigi ang kundisyon ni Tatay. 

Natutuwa akong makita silang nagtutulungan. 

Biro ko sa aking pamangking si Nathaniel, "Tama yan Tan, mag-enjoy na kayo dahil in years to come, mag-aaway na kayo sa lupa." Sagot niya, "Wala nga 'kol na lupang pag-aawayan." Siguro maganda ring walang lupang pag-aawayan. 

On a more serious note, may nagdekorasyon ng sala ni Tatay, may mga nagluto, may nag-ayos ng musika. Bawat isa ay may toka. 

Ito ay hindi lamang simpleng celebration ng pamilya. Bawat isa sa larawan ay nanampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan. So for a day, ito ay demonstrasyon kung anong mangyayari kapag ang mga magkakapatid sa pananampalataya ay nagtutulong-tulong. Walang judgement. Walang criticism. Just pure grace in action. 

Ang ipit na nagsasama-sama ng lahat? Si Tatay at Nanay, ang aming modelo at tropeo ng biyaya. Malaking pasasalamat na naging bahagi ako ng isang pamilyang lahat ay mananampalataya kay Cristo. 

Sana hanggang sa pagtanda ng mga bata, taglay nila ang pagkakaisang ito. Nakakataba ng puso. 

On a separate note, napagkamalan akong binata. Ehem. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/

Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION