Ngayong 2026 mas magiging malapit ako kay Lord

 



Nakagawian na ng mga Pinoy (and I guess elsewhere), na kapag Enero ay gagawa ng New Year’s resolution. Ang motto ay New Year, New Me. Kung anuman ang iyong resolution, I hope matupad mo dahil ayon sa mga eksperto, majority ay hindi ito natutupad.

It takes daw 21 days to form a habit. So if you give up before 21 days, good bye resolution.

Popular resolutions ang mga health-related (mag-ehersisyo na, hindi na magkakape, iiwas sa junk foods, etc), family-related (will spend more time sa family, mag-aasawa na, etc), o work-related (hindi na malelate, magmamasteral, etc). For Christians, it can be magbabasa ng Biblia daily, only to give up pagdating sa Leviticus or Numbers (because who cares about this foreign sounding regulations and censuses, right?). Or maybe pray more. Or be more active sa pagsisimba. Etc.

Inherent sa lahat ng mga resolutions ay ang desire to improve oneself.

Gamitin natin ang 2026 upang mas mapalapit sa Panginoon. I do not mean more religious. Kahit mga unbelievers ay kayang gawin iyan. In fact, from my observation, mas masisipag pa sila dahil ang mga ito ang kanilang basehan ng kaligtasan. What I mean is make 2026 the year to cultivate a closer and more intimate relationship with Christ. In other words, grow in Christ, not in the church.

How can we do that?

Here are some suggestions.

Pray more. And not the kind of prayer na napakahaba at napatulog na ang nakikinig. Reserve those kinds of prayers in your private life. Use prayers not to impress people with your holy language and singsong voice (seriously bakit kailangang magbago ng tono kapag nananalangin?) but to communicate more to God. Pray the entire day, while waiting in line, during vacant hours, when driving through traffic… Huwag nating ireserba ang prayer during meal times or kunb matutulog. Talk to Him like you would with a friend- honest, raw...

Read and study more. The Bible primarily but also books written by godly men. A Christian must be a man of the book but also a man of books. Read and study the Bible for yourself. Walang substitute sa personal familiarity with God’s Word. But be humble enough to recognize that you don’t know all the answers. Learn from other gifted men through their books or sermons. It will not take away from you to recognize your ignorance and learn from others. But make sure to test them against the Bible.

Love more. That is desire the highest good of others even if they’re not lovable. Hindi ibig sabihing kailangan mong magkunwaring nasisiyahan kang makasama siya. You can love from a distance. But do not desire their hurt. Instead kahit sa malayo, desire and organize their well-being.

Sing more. Worship more. Hindi lang kapag may church service (and for some of us, mas maiging tahimik tayo o mahina ang boses kapag church service para hindi masira ang ganda ng worship music, haha), kundi in daily life. When God gives you a blessing, sing for Him. Kapag nagugulumihanan ang iyong isip, listen to and sing along with Christian music. Many times, napapayapa ang aking loob kapag nakaririnig mg worship songs.

Lastly, share more. Sa iyong friend’s, sa iyong workmates, sa iyong socmed accounts… anywhere you can reach people. And do not be obnoxious about it. Sa pagbabahagi ng mensahe, we need wisdom. Our objective is maibahagi ang information na kaniyang pagninilayan- ang nanampalataya kay Jesus ay may buhay na walang hanggan. Hindi natin obligasyong pilitan siyang manampalataya o maipanalo ang debate. Ang trabaho lang natin ay magbahagi ng evangelio. Trabaho na ng Espiritung kumbinsihin siya ng katotohanan noon.

I am sure you can add more. May God guide you sa kinakailangang resolutiong makalalapit sa iyo sa Kaniya.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION