Mabubuting tao lang ba ang pwedeng magsimba?
Tanging mga mabubuting tao lang ba ang dapat magsimba? Required bang maging mabait o mabuti bago umapak sa church chapel?
Mark 2:17
[17]And hearing this, Jesus said to them, "It is not those who are healthy who need a physician, but those who are sick; I did not come to call the righteous, but sinners."
Kung kinikilala mong ikaw ay maysakit at makasalanan, walang dahilan para hindi ka magsimba dahil ikaw ang uri ng taong hinahanap ni Jesus. Ang mga feeling matuwid at banal ay umaasa sa kanilang sariling kabutihan at hindi nakikita ang pangangailangan nila kay Jesus. Pero ang taong kinumbikta ng Espiritung siya ay makasalanan at hindi maliligtas ang sarili ay nagpapahayag (nang hindi nagsasalita) ng kaniyang pangangailangan kay Jesus. Namatay si Jesus para bayaran ang kasalanan at hindi ito maging hadlang sa kahit na sinong lumapit sa Kaniya. Kaya huwag mong hayaang hadlangan ka ng iyong feeling na hindi ka worthy sa harap ng Diyos. Yes hindi ka worthy (lahat tayo ay hindi worthy- Roma 3:23) ngunit binigay ni Jesus ang Kaniyang buhay sa krus upang ang sinumang manampalataya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang kundisyon ay manampalataya kay Jesus at ang pangako ay buhay na walang hanggan.
Remember, sa Lukas 18, ang Fariseong feel na feel ang kaniyang kabanalan ay hindi inaring matuwid kundi ang makasalanang ni hindi makatingin sa unahan, nakayuko at humihingi ng awa (lit, hinihiling niyang ang Diyos ang kaniyang maging mercy seat).
So if you don't feel holy, you're in a good place. Welcome kayo sa church namin at marinig ang mabuting balitang ang sinumang manampalataya kay Jesus ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan (Juan 3:16; Gawa 16:31).
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
#thepoweroftheordinarymember #partidochristianbiblechurch #freegracephilippines #freegrace #partidochristianbiblechurch #FreeGraceTheology
Sa mga hindi pa nakasisiguro ng kaligtasan, gusto kong malaman mo na hindi ka maliligtas ng iyong sariling gawa, relihiyon o personal na katuwiran at kabutihan. Sa halip ang buhay na walang hanggan ay ibinibigay ng Diyos sa Persona ni Jesucristo. Ang nag-iisang kundisyon na hinihingi ng Diyos upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya sa Kaniya para rito. Ang kaligtasan/buhay na walang hanggan ay isang regalo ng biyaya na matatanggap lamang sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo lamang, hiwalay sa mga gawa. Mahalaga ang mga gawa para sa sanktipikasyon at mga gantimpala pero hindi sa buhay na walang hanggan. Ito ay sa biyaya, sapamamagitan ng pananampalataya, hindi mga gawa, Juan 3:16; Gawa 16:31; Efeso 2:8-9.
Sa mga nakasisiguro na ng buhay na walang hanggan, bago simulan ang pag-aaral ng Biblia, ikumpisal mo muna ang iyong mga personal na kasalanan sa Diyos Ama, 1 Juan 1:9. Sa ganitong paraan, mapupuspos ka ng Espiritu Santo na tutulong sa iyo upang maunawaan ang Biblia.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
https://faithalone.org/ebooks/santiago/
.jpeg)

Comments
Post a Comment