Love your wife
The closest human relationship a man can enter into is his wife. And that is by design - it pictures the unity between Christ and the Church.
With due apology sa mga biyenan at mga anak, may mas malapit pang relasyon kaysa inyo. Yes mahalaga kayo. Mahal namin kayo. Pero ang numero unong prioridad ng isang Cristiano ay ang kaniyang asawa.
At kung kayo at bosses sa trabaho o customers sa business, sorry you're not even in the picture. Hindi kayo dapat maging hadlang sa malapit na relasyon ng mag-asawa.
Ang bawat Cristianong lalaki ay tinatawagang kilalanin nang husto ang kaniyang asawang babae. Hindi ito tumutukoy sa cursury knowledge of her name. It means dapat inaalam mo rin ang kaniyang pangarap, ang kaniyang gusto at ang kaniyang nararamdaman.
I make it a habit to ask my wife, "How do you feel? Are you happy?" Because as far as I am concerned, ang isang gawain ay walang saysay if my wife is not happy.
I am not pussy-whipped. Unahan ko na ang kritiko. I just want a peaceful marriage and peaceful family and who better to give feedback than my wife.
I won't listen to anyone else without knowing first what my wife thinks. Siya ang tanungan ko ng mga goals sa buhay, ng feedbacks sa aking sermons or ng evaluation ng bawat projects na aming tinapos.
Of course the feedbacks of my father-in-law, of my children, of my coworkers, etc are important. It's just that they're secondary to hers.
Christian men are also to love their wives. For a good reason. It pictures Christ's love for the Church - sacrificial and unconditional. Ibig sabihin ay ninanais ko ang highest good ng misis ko. It means may mga pagkakataong I have to shelve my own wants upang i-prioritize ang kaniyang gusto.
Christian men are also to honor their wives. Hindi nila nanaising maliitin o manliit ang kanilang mga misis. The first chance na kaya ko na, pinag-aral ko ng kolehiyo ang aking misis. Ayaw kong makaramdam siya ng panliit na wala siyang tinapos. Gusto kong umupo siya sa kahit anong silid na may kumpiyansa sa sarili.
Our churches will be a better place if Christian men will know, love and cherish their wives. It will result to stronger families forming stronger churches.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment