Looking back so the view looking forward is even clearer
Sa pagtatapos ng taon, I am looking back sa kagandahang-loob ng Diyos sa aming pamilya.
Gaya nang inyong nalalaman (kung sinusundan ninyo ang aking blog or FB), hindi maganda ang simula ng taon sa aming pamilya. Nawala ang kalamsian, may kamag-anak kaming namatay, mayroong may mental health problem, nagbitaw ako sa pagtuturo sa aming church, sinarado ang isang assembly at in general, mahirap ang pinansiyal. Still we look forward to God's grace.
May kapamilyang nag-move ng residence, nalayo ang isa naming anak dahil nagkolehiyo, at dumarami ang iniindang sakit ni Tatay at ni Nanay. We're thankful na binigyan nila kami ng halimbawa kung paano harapin ang mga pagsubok ng biyaya nang may grace.
Lumaki rin ang aming gastos. Butas na butas ang aking bulsa. But God continue to provide and to provide in abundance.
Fast forward sa December. Isa sa matagal ng prayer request ang natupad - nakabitan ng kuryente sila Tatay. Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nabili ang kalamansian is to give way para makabitan ng kuryente sila Tatay.
Then may humabol pang gastusan sa December 31. Excited kaming mag-celebrate ng Bagong Taon sa kanilang bahay pero na-confined si Tatay. Thankful na sa ambagan ng mga magkakapatid ay bumuti ang pakiramdam ni Tatay.
Looking back, maraming nangyari sa taong 2025. Maraming problema. Maraming gastusan. But God provides. God empowers.
By the end of the year, lahat, as in LAHAT, ng obligasyon ay nabayaran, may kaunting ekstra upang maghanda at magdiwang kasama ng pamilya, at tinupad ang isa sa mga pangarap at prayer request - nakabitan ng kuryente sila Tatay. Honestly at the start of 2025, sinong mag-aakalang magtatapos ang taong may kuryente sa Amoguis?
God is so good to our family. I know this is just coincidence (is it?) but truly El Elohe Israel. God is the God of Israel.
This 2026 we continue to pray for God's grace. May He continually blessed us with His abundance.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment