In His Hands
May isang batang inaway ng kaniyang kalaro. Ang sabi niya, “Isusumbong kita sa kuya ko.” Sa isipan ng isang musmos, ang kuya ang taong kaniyang maaasahan at taong magpoprotekta sa kaniya. Ang mga kamay ni Kuya ang mag-iingat at mag-aalaga sa kaniya.
Para sa mga Cristianong lubos na nagtitiwala sa Diyos, ang Kaniyang mga kamay ay proteksiyon at probisyon. Siya ang kanlungan at moog sa oras ng pangangailangan.
Pinagkakatiwala niya sa Diyos ang kaniyang pangangailangan. Ipinagkakatiwala niya ang kaniyang proteksiyon sa kamay ng Diyos. At kung may umaaapi sa kaniya, hindi niya nilalagay sa sariling mga kamay ang hustisya kundi, you guess it right, sa mga kamay ng Diyos.
At dahil iniinterpreta niya ang kaniyang sirkumstansiya sa liwanag ng probisyon at proteksiyon ng Diyos, nakikita niya ang kamay ng Diyos sa lahat ng bagay.
Nakikita niya ang kamay ng Diyos na nag-orkestra ng mga pangyayari upang malayo siya sa gulo. Nakita niya ang kamay ng Diyos nang walang wala siya tapos biglang may dumating na hindi inaasahang pera. Nakikita niya ang kamay ng Diyos sa maaayos na takbo ng kaniyang buhay.
Tahimik na kumikilos ang Diyos ngunit malakas ang rekognisyon. Sapagkat para sa Cristianong ito, without God he is nothing. Not only figuratively but literally. His life, his meaning, they come from Him.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. G miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment