I can't even speak

 


Naranasan ninyo na bang may dala-dalang bigat sa buhay na wala kang malapitang tao kaya sa Diyos ka lumapit? At sobrang bigat ng iyong dinadala, hindi mo masabi ang iyong prayers kundi iniiyak mo na lang? 

When we find it hard to pray that's when we need to pray hard. Nadiskubre natin ang kalahati ng sikreto ng kapangyarihan- we are weak in ourselves. Now we need to learn the other half- God's power is perfected in weakness. 

Hindi tayo lumalapit sa Diyos kapag tayo ay umaasa sa ating kakayahan. When we reach rock bottoms, we're on a good spot; we found God at the bottom. Waiting for you to reach to Him. 

Many times naranasan kong manalangin as if everything depends on Him because they did. Iyan yung mga sandaling mula umaga hanggang gabi, halos kada minuto, pray ka lang ng pray. 

Sa mga kagaya kong soloista, this is especially true. Maliit lang ang aking sirkulong malalapitan, and from human perspective most are even in worse financial situation than I am, so kapag may problema ako, straight to God na. Wala akong ninong o kumpareng milyonaryong malalapitan. Walang tiyong contractor o engineer. Walang kakilalang pulitiko. Ang malalapitan lamang ay ang Ama sa langit at sinumang Kaniyang ibigay bilang tulong. 

So very early, natutunan kong ilapit sa Kaniya- financial problems, health problems, work problems, and yes kahit kapag hindi ko makita ang aking salamin. Everything to Him.

Many times I look back sa aking buhay. Napagtataka ako kung paano ko napagsabay ang mag-single parent ng dalawang teenagers (dahil nag-abroad si Misis), magturo sa public school, magturo ng Bible sa apat na assemblies (noong sumasama pa ako sa Palayan) at i-manage ang aming sambahayan nang mag-isa. Then the answer comes silently - it is all God's. Kinaya ko dahil hinanda ng Panginoon ang mga daan upang makaraan ako nang walang lubak. 

I can testify of so many times God help us out of problems and He continues to help us. 

Just pray. When you think He's not listening, that's when He's actually moving behind the scene. Your job is to have faith that He has your best interest at heart. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

https://faithalone.org/ebooks/santiago/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION