Hindi minamadali ang greatness
I think malinaw ang mensahe ng picture - may tamang oras sa maayos na pagluluto. Ang mas maikling oras sa mas mataas na temperatura ay hindi katumbas ng mahabang oras sa tamang temperatura. Masusunog ang manok.
And what is true of roasting chicken is true in every areas of our life. Hindi mo madadaan sa pagmamadali ang mga bagay. Sabi nga nila, slow is smooth, smooth is fast. That is true in learning any skill. Kailangan mong maggugol ng oras para iprepare ang katawan at isipang maka-adjust sa bagong skill. That is true with work. Minsan sa kamamadali, dumarami ang errors. It is also true spiritually.
Hindi lalago sa isang gabi ang Cristiano. Kailangan niyang consistently and intentionally na mag-invest ng oras ("redeeming the time") upang lumago sa Panginoon. It takes time to study doctrine and to apply them. It takes time to build discipline.
Walang naligtas ngayon at bukas ay teologo na.
Unfortunately ang mga lider ay hindi makapaghintay. They want results. Kaya sa halip na hayaang lumago ang Cristiano, minamadali. Sinasabak sa paglilingkod nang walang build up. Ang resulta ay nasabak sa isang ministring hindi handa ang isipan at katawan sa rigors ng ministri. At kapag sumukong kagaya ni Marcos, bibitawan na. Pagagalitan at sisihin samantalang yung lider ang nagkulang na ihanda ang Cristiano. Sometimes, he can be too discouraged that he just quit. Never to return.
I am not justifying the quitter. Pero bababa ang mortality rate kung naging mindful ang discipler.
Ang paglilingkod ay kagaya ng paglalakad ng isang bata. Sa simula, maraming pagkadapa. Kailangan ng alalay. Paunti-unti hanggang magkaroon ng confidence na lumakad with minimal supervision. Given time, makatatakbo iyan ng mag-isa.
Ganuon din sa ministry. Sa simula ay maraming mistake. Long on enthusiasm but short on discipline. That is okay. Continue fanning the flame of enthusiasm while developing the discipline. In time, makapaglilingkod iyan with minimal supervision.
Huwag nating bigyan ng pasanin ang mga balikat na hindi pa handa. Maraming kabataang binigyan ng posisyun (rationalizing that this way lagi silang nasa simbahan) kahit hindi siya nabigyan ng maayos na paggabay. Hindi masu-sustain ng enthusiasm ang ministri. When things go rough, discipline will win the day.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment