Grace living


Salvation is by grace through faith. This has been the consistent teaching of Biblical Christianity

If you believe in Jesus you have eternal life that cannot be lost. 

This is clear to Free Grace believers

Unfortunately, post-salvation life is not as clear. Maraming Cristianong malinaw sa kaligtasan sa biyaya ay hindi kasinlinaw sa espirituwal na buhay. 

Gaya ng mga taga-Galatia, marami ang nagsimula sa Espiritu ay nasusumpungan ang sariling lumalakad sa laman. 

Nagsimula sa biyaya ngunit namumuhay sa Kautusan. 

Nagsimula sa pananampalataya ngunit nagpapasakdal sa relihiyon. 

Pero ito ang malinaw na turo ng Biblia: tayo ay naligtas sa biyaya at mamumuhay sa biyaya. 

Ang biyayang nagligtas sa atin ay nagtuturo sa ating mamuhay nang may kabanalan at nakaluluwalhati sa Diyos. 

Hindi natin kailangang magpailalim sa Kautusan o sa mga alituntuning gawa ng tao. Mayroon tayong supernatural na pamumuhay na nangangailangan ng supernatural na kapangyarihan upang maisapamuhay. 

Huwag nating ilagay ang bagong alak sa lumang tapayan. Huwag nating subukang isapamuhay ang biyaya sa tapayan ng legalismo

Grace all the way. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION