Grace in the midst of weakness
Ayaw nating maging mahina. Gusto nating maging malakas. Kahit sa mga sandali ng kahinaan, gusto nating i-project na tayo ay malakas.
Ngunit isang bentahe ng kahinaan ay nakikilala natin ang kapangyarihan ng Diyos. Mahirap umasa sa Kaniyang kapangyarihan kapag umaasa tayo sa sarili nating lakas.
Naalala ko noong nagkasakit ako sa baga. Natuto akong umasa sa iba- sa aking asawa, sa akong mga anak, sa aking mga katrabaho. Mahirap ma-appreciate ang kanilang presensiya kapag malakas ka.
Ganuon din sa espirituwal na buhay. Nasasakdal ang kapangyarihan ng Diyos sa ating mga kahinaan. Nare-realize nating Siya ang ating lakas. Nadidiskubre natin ang ating mortalidad.
Kaya kung nasa kalagayan tayong mahina, magdiwang tayo. Nasa harapang upuan tayo para masaksihan ang kapangyarihan ng Diyos.
Siya ang kikilos sa pamamagitan natin kung hahayaan natin Siya. Mahirap makita ang demonstrasyon ng Kaniyang kapangyarihan kung nakikiagawan tayo sa pagpapatakbo ng ating buhay. After all, if we're strong, what need do we have of God, right? In weakness, such pretensions are stripped away. We know we're dependent on Him.
This is all the grace of God. We don't work for it. We don't deserve it. It is all His loving kindness.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment