Giving way is Christ-like

 


I have read of a captain (or whatever is the proper Navy designation) of a huge battleship. Sa kadiliman ng gabi may umalingawngaw na malakas na tinig: "Gumilid kung ayaw mong madurog." Offended, na may nagsabi sa kaniya noon, sumagot siya, "Ako ay kapitan ng pinakamalaki at pinakamakapangyarihang battleship ng Navy. Sino ka para magpagilid sa akon? Ikaw ang gumilid o madudurog ka sa banggan." There were repeated warnings but he ignored them. Too late na nang bumangga ang kaniyang pinagmamalakinh battleship sa lighthouse.

Unlike story? Nakikita natin ito sa bawat relationships kung saan pride ang umiiral. 

Ayon kay Pablo sa  Roma at sa Filipos, na matuto tayong huwag magkaroon ng mataas na pagtingin sa ating sarili kundi ibilang ang ibang mas mahalaga kaysa sa atin. Ito ang solusyon upang mapanatili ang kapayapaan sa maraming relasyon. 

Maraming simbahang nahahati dahil mayroong namamanginoon sa iba. Nang sinalin ko ang Santiago 4, na-realize kong ayaw kong mangyari ito sa PCBC

Ayon kay Einstein, ang relos ay nagsasabi ng oras, ngunit kung may dalawang relos, malabong malaman ang tunay na oras. Hindi maaaring may dalawang pamantayan at dalawang awtoridad sa isang simbahan. Kung nagbabanggan ang dalawang pananaw, mas maiging may magbigay daan upang mapanatili ang kaisahan. 

I decided to step back and even step down.

For the sake of peace.

For the sake of unity. 

May pumupuna kung bakit wala akong pakialam sa palakad sa simbahan. Simple reason: mahirap maglakad kung ang mga paa ay sumusunod sa magkahiwalay na tinig.

Hindi ito nangangahulugang hindi ko mahal ang PCBC. I do. I give way because I don't want to see it torn. 

I don't need titles. I don't need recognition. As long as someone wants to listen to my doctrine, which is free grace Acts 2 dispensationalism, I will teach. 

I don't like backdoor talks. Mga pribadong usapang tinatago sa madla. Mukha ba akong Mafia

What I want is transparency. And peace of mind. In any order. 

Hindi ko kailangan ng crowd. I am a loner anyway. But as long as my circle is intact, I'll be fine. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

https://faithalone.org/ebooks/santiago/



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION