Do not be hypocrite
Romans 2:1-3 [1]Therefore you have no excuse, everyone of you who passes judgment, for in that which you judge another, you condemn yourself; for you who judge practice the same things. [2]And we know that the judgment of God rightly falls upon those who practice such things. [3]But do you suppose this, O man, when you pass judgment on those who practice such things and do the same yourself, that you will escape the judgment of God?
Marami nito sa Iglesia ng Diyos. Mga taong mapanghusga sa kapwa ngunit very lenient sa sarili.
Hindi nakapagtatakang hindi kaakit-akit sa mga unbelievers ang Cristianismo. Paano sila maniniwala kay Cristo kung ang mga mananampalataya ni Cristo ay mga ipokrito at mapanghusga?
Ang Mateo 7, na paborito ng maraming tumatakwil sa rebelasyon ng Diyos, ay hindi blanket rejection sa lahat ng uri ng panghuhusga. Obviously we need to judge if we're to test all the spirits if they're from God or not. We need to judge to know which teachers are teaching Bible doctrines and which are passing the traditions of men as if it is God's Word. Even sa Mateo 7, bago raw husgahan ang puwing ng kapwa, ay alisin muna ang troso sa sariling mata.
What it condemns is hypocritical judgment. Yung uri ng judgment na kita ang diperensiya ng iba pero hindi kita ang sariling pagkukulang. Siyempre kung may troso ang mata, hindi makikita ng malinaw ang mga isyu dahil ang troso ng self-righteousness at legalismo ay bumubulag sa discernment.
Sa Roma 2 ay makikita ang isang malinaw na halimbawa. Ang mga Judio ay mabilis sa paghatol sa mga Gentil ng Roma 1 dahil sa kanilang pagtakwil sa Diyos nang hindi nila nakikitang ginagawa nila ang parehong pagtakwil! Binabalot lang nila ng moralismo at pormalismo kaya hindi nakikita agad.
Ang dumi na nababalot ng ginto ay dumi pa rin!
At laganap ang mga ganitong Cristiano sa simbahan. Mapagpuna sa kakulangan ng iba nang hindi nila napapansin ang sariling kakulangan.
Paano ang kanlungan ay ang kanilang Bible studies, prayer meetings at devotionals. Puno ng religious activities ang linggo ngunit walang character development. Maraming prayer meeting pero walang fruit of the Spirit. Connected sa church pero hindi abiding in Christ.
If you ask me, they are more dangerous than the libertines. Most people, even unbelievers, and certainly many Christians, can identify sins and avoid them (if only to appear righteous or religious). But few recognize the "good and acceptable sins" of self-righteousness. After all it is a "righteousness." That's what makes it dangerous. It has a form of holiness but without the power of the Spirit.
Before you point your fingers to others, make sure you are qualified to cast the first stones. At least the Pharisees of John 8 are honest to know they aren't qualified. Let's not pretend we're better.
Grace. Not only in theory but in action.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment