Confident because of God
Saan mo nilalagay ang iyong confidence?
Karamihan ay nilalagay ito sa kanilang reputasyon. Kaya kapag may damaging information tungkol sa kanlla, they squash it. Sapagkat hindi nila kayang mabuhay na may kasiraan ang kanilang pangalan.
Ang iba naman ay natatago sa kanilang gawa kaya kahit gabi o Linggo, wala silang tigil sa paggawa. Their whole sense of worth ay nakatali sa accomplishment. Kaya kapag nakagawa ng kapalpakan, kahit hindi sinasadya o hindi maiiwasan, ito ay bumabasag sa kanilang confidence.
Ang iba ay nakatali sa kayamanan. Tiwala silang humarap kahit kanino dahil sa kanilang palagay, ang kahit sino ay may presyo. Sa sandaling umihip ang hangin na nagdadala ng economic problems, sila ay natotorete.
Ang mga ito ay karaniwang source of confidence, and none of these will stick when the time comes. To use Biblical language, this is like putting your weight on a broken reed In the end, it will pierce your hands and make you bleed.
Since ang source ng confidence ay temporal, the confidence engendered is also temporary.
On the other hand, iniimbitahan tayo ng Diyos na huwag maglagak ng confidence sa mga prinsipe o sa mga kabayo o sa mga ginto. Sa halip dapat tayong maglagay ng tiwala sa Diyos mismo. He is eternal and the confidence He engender is eternal. Ang taong ang tiwala ay nasa Diyos ay may stability sa buhay.
Kung tayo ay nagtitiwala sa Diyos, hindi tayo mababalit ng guilt dahil alam nating ang lahat ay pinatawad kay Cristo para sa mananampalataya. Alam nating hindi tayo nag-iisa sa buhay. Alam nating nariyan Siya upang umalalay.
Confident living comes from knowing that everything depends on God. You don’t blame anyone or yourself kung may kakulangan but tiwala kang God will provide.
Confident living comes from living a life free from blame. Ang mga taong under condemnation ng konsensiya will never be happy. Ang taong mahilig manisi ng iba will equally not be happy. Confident living means pinagkakatiwala mo sa Diyos ang lahat ng bagay.
Ang mananampalatayang ang tiwala ay nasa Diyos ay mahaharap ang mga pagsubok ng buhay nang may confidence hindi dahil sa sarili niyang kakayahan o karunungan kundi dahil ang tiwala niya ay nasa Diyos.
Matuto tayong magtiwala sa Kaniya.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment