Commit yourself to the Lord
What are the desires of your heart? I don’t know but God do. And according to the Bible, God will give it to those who are committed to Him.
What it means is instead na ubusin ang oras sa paghabol sa mga bagay na ngayon ay nariyan pero bukas ay wala na, mas maiging ubusin natin ang oras sa paghanap sa kalooban ng Panginoon.
Ang kalooban ng Panginoon ay madaling hanapin. In fact nasusulat na sa Biblia. Kailangan lamang basahin, unawain at isapamuhay.
Maraming Cristianong mas mahaba ang oras na ginugugol sa paghahanap ng kasiyahan at kaginhawaan. Hinahabol ngunit sa sandaling hawakan ay nadiskubreng hangin lamang. Walang substance. Hindi nagtatagal.
Ilan ba ang naghanap ng kayamanan na later on ay hindi maenjoy because it comes at the cost of health? Aanuhin mo ang milyon kung limitado lamang ang pwedeng kainin? O kaya naman ay kapalit ang pamilya. Madalas na sa trabaho o negosyo kaya lumaki ang mga anak na hindi kilala.
Ngunit kung uunahin natin ang Diyos, if we commit our ways to Him, He will give us the desires of our heart.
I don’t know what it is you desire but for me yun ay ang masupply-an ang pangangailangan ng pamilya at may kaunting sobra upang itulong sa iba at may kaunting sobra upang mabili ang nais o maipasyal ang mga bata. Ang magkaroon ng buo at masayang pamilya, trabahong maihaharap mo kahit kanino at kalusugang makakaenjoy ng gawa ng Diyos nang hindi kailangang isakripisyo ang paglilingkod at pagsamba sa Diyos. Dahil ang kayamanang malayo sa Diyos ay hindi makapagbibigay ng kasuyaha. Iyan ang konklusyon ni Solomon sa Ecclesiastes.
The shortest way to success is to commit ourselves to God. It may not be the success that the world wants but it is the kind that will last for eternity.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment