Born twice, die once
We love birthdays. Ipinagdiriwang natin ang bagong taong dinagdag ng Diyos sa ating mga buhay. Ipinagdiriwang natin ang masayang araw na ito kasama ng mga taong mahalaga sa atin.
I wonder kung ipinagdiriwang din natin ang araw na tayo ay ipinanganak na muli. Maaaring hindi natin matiyak ang eksaktong araw ngunit hindi na at ito ay nananawagan ng mas malaking selebrasyon?
Sabi ni Jesus, malibang ang tao ay ipanganak na muli, hindi siya makapapasok sa Kaharian ng Diyos. Maaaring hindi mo tanda ang eksaktong petsa, ang mahalaga ay natitiyak mong ipinanganak kang muli.
Ayon sa Juan 3:16: Gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Hindi sinabing umanib sa relihiyon, o mamuhay nang matuwid (parehong mahalaga ang dalawa pero hindi sa pagtamo ng buhay na walang hanggan) kundi ang manampalataya kay Jesus. Kung paanong wala tayong ginawa upang ipanganak sa buhay na ito, wala rin tayong gagawin upang maipanganak na muli.
Ang hindi manampalataya kay Jesus ay hinatulan na ayon sa Juan 3:18. Naghahari ang poot ng Diyos sa mga hindi nanampalataya ayon sa Juan 3:36. Ang dahilan ay ayaw manampalataya kay Jesus.
Ang resulta ng kabiguang manampalataya kay Jesus ay walang hanggang kamatayan o eternal na pagkahiwalay sa Diyos sa impiyerno.
Ang options ay buhay na walang hanggan o walang hanggang kamatayan. Ang isyu ay nanampalataya ka ba kay Jesus o hindi.
Born twice and you'll did once. Born once and you'll die twice. Think about it.
Magdiwang tayo hindi dahil tayo ay mayaman sa sanlibutang ito kundi dahil tayo ay may buhay na walang hanggan dahil nanampalataya kay Jesus. And be sure to share this good news with your loved ones.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment