Back to normal
Tapos na ang holidays at patapos na rin ang school break. Gaano man kasaya ang ating mga handaan at pagtitipon, babalik na naman tayo sa normal routine ng buhay.
Sa pamilya Nieto, it means back to work sa January 5 at back to classes ang mga bata. Balik na naman sa maagang gising at gabing uwi. Balik sa deadlines, balik sa late night submissions, etc. May bahagi ng aking pagkataong ayaw pang bumalik sa trabaho but there is also an aspect na gusto na ring bumalik sa normal ang buhay. After all magastos ang bakasyon at may structure na binibigay ang balik trabaho. You know when to wake up, what to do for the day, and when to go home.
Siyempre may kasama itong lungkot. Babalik si Naomi sa Manila at ilang buwan na naman bago makabalik.
Tapos na ang kaliwa't kanang kainan at balik na naman sa pagtitipid upang mapagkasya ang sweldo.
But it means that we're looking forward for the next school and work break. Pansamantalang paghihiwalay upang magkita muli matapos ng ilang sandali.
Salamat sa Ama sa mga panahong kagaya nito. At least for a time, we're able to take a break from the hectic demands of life. For awhile, we're able to enjoy life with family and friends.
Here's the thing: Whether it is holidays or normal days, God's grace is the same. We might have entered a new year but the same God that graciously provided everything we need in faith and practice will continue to provide everything we need in life. We have another year to enjoy His grace.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free https://faithalone.org/ebooks/santiago/


Comments
Post a Comment