A few good men

 



I don’t need a lot of friends. I need a few good men who will back me up when I am down and correct me when I am wrong.

Bad company corrupts good habits. In Proverbs 1 we are introduced to the wrong crowd, people who lead godly youths to the wrong path with promises of profit. Lady Wisdom admonished us to follow her voice instead.

Ilang kabataan ang naligaw ang landas dahil sa masamang barkada.

Instead, piliin mo ang mga kaibigang magdadala sa iyo sa daang matuwid at makipot. Mga kaibigang inuuna ang relasyon sa Diyos at sinasama ka.

Mga kaibigang yayain ka sa simbahan sa halip na sa lakwatsa. Mga kaibigang magdadala sa iyo sa kabanalan at hindi sa kasamaan.

Aanuhin mo ang maraming kaibigang ang tanging hangad ay pansamantalang kasiyahan at hindi eternal na pagpapahalaga.

Huwag tayong tumulad sa mga kaibigan ng alibughang anak. Nariyan sila noong panahong mayaman pa ang alibughang anak ngunit nang maubos ang salapi, iniwan siya sa babuyan.

Piliin natin ang mga kaibigang handang butasin ang bubong upang mailapit siya kay Cristo.

Maliit lang ang aking sirkulo pero nagtitiwala akong hindi nila ako ilalayo kay Cristo.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

https://faithalone.org/ebooks/santiago/



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION