Training in righteousness
Proverbs 23:13 [13]Do not hold back discipline from the child, Although you strike him with the rod, he will not die.
Colossians 3:20 [20]Children, be obedient to your parents in all things, for this is well-pleasing to the Lord.
Ephesians 6:1 [1]Children, obey your parents in the Lord, for this is right.
Isa sa mga obligasyon at pribilehiyo ay ang turuan ang mga anak sa pagkatakot sa Panginoon. Ito ay obligasyon dahil utos ito sa mga magulang. Ito ay pribilehiyo dahil binigyan tayo ng sagradong gawain upang hulmahin ang mga bata upang maging kawangis ni Cristo.
Hindi natin dapat ipagkatiwala ang gawaing ito sa mga pastor at mga guro. Ang ating mga anak ang ating mission field. Sila ang pinakaunang dapat nating dalhin sa kaligtasan bago tayo magnasang turuan ang iba.
Ang kapabayaang gawin ito ay nagresulta sa mga pamilyang may anak na hindi kumbertido. Nagawa mong ibahagi ang buhay na walang hanggan sa iba ngunit ang pinakamamahal mong anak ay patungo sa impiyerno.
This is a tragedy. Ni ayaw nating madapuan ng lamok o langaw ang mga bata ngunit dahil sa ating kapabayaan, sila ay magdurusa sa walang hanggang apoy ng impiyerno.
Turuan natin silang ang buhay na walang hanggan ay masusumpungan kay Cristo, at hindi sa relihiyon. Turuan natin silang manampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan.
Turuan natin silang lumago sa kaligtasan na iyan. Turuan natin sila ng doktrina upang magkaroon sila ng matatag na kaisipang makahaharap sa pagsubok ng buhay. Turuan natin sila ng doktrina hanggang mapuspos ni Cristo ang kanilang buhay.
Turuan natin silang maglingkod sa simbahan upang mapatibay ang pananampalataya ng mga kapatid. Turuan natin silang magbahagi ng mensahe ng buhay sa lahat ng kanilang makakausap.
Huwag nating hayaang agawin ng sanlibutan ang mahahalagang kaluluwang ito. Ang sanlibutan ay aktibo sa pag-abot ng kanilang murang kaisipan sa pamamagitan ng media at mga sekular na paaralan.
We have to counter this ungodly ideas. We can only do it if we do our job as parents as unto the Lord.
Ang mga bata ay hindi insurance at investments. Huwag nating tratuhin sila bilang mag-aalaga sa atin sa ating pagtanda. Instead palakihin natin sila sa Diyos upang sa kanilang pagtanda ay mayroon silang pagkukunang legasiya upang i-pursue ang kanilang relasyon sa Diyos.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment