The power of words

 



Sa Dahat, natapos pa lang namin ang Santiago 3 kung saan tinalakay namin kung paano maging makupad sa pagsasalita. Nasa kabanata 4 kami patungkol sa paano maging makupad sa pagkagalit. May koneksiyon ang dalawa- pareho ang mga itong sintomas ng kawalan ng biyaya sa puso. Sa halip ang naghahari ay kapaitan (Heb 12:15).

Kapag ang tao ay walang kapayapaan sa kaniyang puso, susunugin niya ang lahat niyang relasyon sa mga tao.

At kung ang puso ay puno ng kapaitan, ito ay lalabas sa kaniyang puso.

Alalahanin nating ang dila ay maaaring maging ahente ng sanlibutan upang dungisan ang Cristiano. Kapag nangyari ito, ito ay isang masamang walang pahinga. Sinisila nito ang kaniyang mabibiktima.

Ngunit hindi ito ang orihinal na disensyo ng Diyos. Ang dila ay dinesenyo upang purihin ang Diyos at patibayin ang mga kapatid. Nang lalangin ng Diyos ang tao, ang Kaniyang nakita ay “napakabuti.”

Ngunit sa kabanata 3 nakita nating nahulog ang tao sa kasalanan dahil sa tukso ni Satanas. This early sa Bible, nakita natin ang template ng kasalanan – nagkakasala tauo kapag tayo ay nakinig kay Satanas kaysa sa Diyos.

Ang dilang dinesenyo upang purihin ang Diyos ay ginamit upang magsinungalin, mag-justify ng sarili at sisihin ang iba.

It is just as true as now. Kung tayo ang nasa hardin ng Eden, we’ll do the same.

Ang issue ay: gagamitin ba natin ang dila upang magtanim ng hardin o upang magsunog ng kagubatan. Nasa atin ang tamang gamit ng dila. Ito ba ay kasangkapan sa kamatayan o kasangkapan sa pagbibigay ng buhay.

Ang dila ba natin ay asin ng biyaya o kasangkapan ng kasamaan.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION