The balance of truth and love
Madalas kong isulat ang harshness ng ilang Cristiano. They justify it by saying, “They’re saying it as it is,” “Nagpapakatotoo lang,” “Authenticity,” atbp. Tinatago nila ang kanilang karahasan sa likod ng pagiging totoo.
Jesus is truthful. But He is also love. He should be our model.
Huwag nating gamitin ang katotohanan bilang panghambalos sa kapwa and silence him to submission. Instead if we love him, we’ll use the truth to prop him up upang siya mismo ay lumakad sa katotohanan.
Maraming Cristianong, sa ngalan ng truth, ay mga sanctified critics. They tear others down. They bad-mouthed others and ang depensa ay inaalis lamang ang kasamaan.
The only thing that will remove evil from a person’s life is learning doctrine. As a person grows, the truth replaces the lies, and he is transformed. Hindi siya mababago ng iyong mga kritisismo.
Instead na siya ay magbago para sa kabutihan, siya ay nagbabago para sa kasamaan dahil siya ay minaliit sa harapan ng iba. Ostensibly as an example to others.
We must use love and truth together. Mushy love without truth is not Biblical love, that is enabling. Truth without love isn’t Biblical truth, that is plain meanness. Ang masaklap some people specialize in enabling their favorites while being mean to those that offend them.
Instead we should be truthful and loving at all times. Sometimes that means withholding fellowship from someone until they come to their senses and return. But it does not mean talking behind their backs.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment