Knowing the Word is our protection

 


Maraming paraan para magpeke ng pera. Ang ilan sa mga pekeng pera ay mukhang totoo at marami ang nadadaya. Imposibleng masundan ng mga kagawad ng batas ang lahat ng pamamaraan ng pamemeke ng per. Ngunit kung alam mo ang orihinal, malalaman mo kung ang pera ay peke. Anumang hindi umaabot sa pamantayan ng orihinal na pera ay peke. 

May mga binigay na paraan ang BSP upang madetermina kung peke o hindi ang pera: 

https://thebeat.asia/manila/venture/money/three-ways-to-spot-fake-money-according-to-bangko-sentral

Hindi mo kailangang malaman kung paano gumawa ng pekeng pera. Kailangan mo lang makitang hindi nito taglay ang mga features ng tunay na pera. 

Ganuon din sa espirituwal na buhay. Maliban kung ang iyong propesyon ay ang mag-track and refute ng lahat ng mga heresies, imposible para sa isang ordinaryong mananampalatayang malaman ang lahat ng kamaliang doktrinal. Ngunit kung alam niya ang Salita ng Diyos, like the palm of his hands, matutuos niya kung ang mga doktrina ay ayon sa pamantayan ng hindi nagkakamaling Salita ng Diyos. 

Hindi tayo magiging batang nadadala sa lahat na ihip ng maling doktrina. Mayroon tayong anchor na hindi magagalaw. 

Kung alam natin ang Salita ng Diyos, kahit sinong dumating na may dalang maling aral ay agad nating makikilala at maiiwasan. Regardless sa distortion, these doctrines don't square against the Word of God. 

Know the Word thoroughly that false teachers will mark and avoid you!

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION