Forgiven people forgive


 


Everyone who believes in Jesus receives forgiveness of sins. Iyan ang sinabi ni Pedro sa sambahayan ni Cornelio. Sa krus binayaran ni Cristo ang lahat ng ating mga kasalanan kaya walang taong makapagsasabing siya ay makasalanan at pupunta sa impiyerno. Yes, ikaw ay makasalanan ngunit ang dahilan kung bakit ka pupunta sa impiyerno ay hindi ka nanampalataya kay Cristo.

Bilang mga pinatawad na tao, dapat tayong mapagpatawad.

Marahil kaya mahirap kang magpatawad ay dahil hindi mo pa naranasan ang mapagpatawad na pag-ibig ng Diyos. Alam mong may kapatawaran kay Cristo ngunit hindi ka nanampalataya sa Kaniya. Umaasa kang maliligtas ng iyong relihiyon, ng iyong mga gawa, ng iyong katapatan. Dahil dito hindi mo magawang magpatawad sa iba dahil sa iyonh ekonomiya, ang kapatawaran ay hindi biyaya kundi bayad sa gawa.

Ang malungkot, maraming Cristianong hindi rin mapagpatawad. In this sense, wala silang pinagkaiba sa mga hindi Cristiano. Sila ay parehong nakalimot sa biyaya ng Diyos kay Cristo.

Si Pablo na ang nagsabi, kung paanong tayo ay pinatawad ng Diyos kay Cristo, tayo rin naman ay magpatawaran ng bawat isa.

Hindi tayo nagpapatawad dahil sa alin sa dalawang dahilan: 1. Hindi pa natin natanggap ang kapatawaran ng Diyos kay Cristo o 2. Nakalimutan nating tayo ay pinatawad sa biyaya.

Kung ang dahilan ay una, tanggapin mo ang kapatawaran: manampalataya ka kay Cristo.

Kung ang dahilan ay ang ikalawa, alalahanin mong minsan kang pinatawad sa malaking halaga, matuto kang patawarin ang ibang nagkulan sa mas maliit na halaga, gaya ng turo ng talinghaga.

Kapag ang kapatawaran ang naghari sa puso, ito ay matibay na insentibo upang magpatawad ng iba.

Palayain mo ang sarili sa sakit ng loob na dulot ng kawalan ng kapatawaran. Kung pababayaan, maaari itong nagresulta sa mental health problems or psychosomatic disorders.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION