Darating din ang para sa iyo


 


Mahirap maging masaya kapag mainggitin. Kapag nakita natin ang ating kapwang umaasenso, sa halip na magdiwang, tayo ay naiinggit at nagiging mapait. Senyales ito na hindi ka kuntento sa kung nasaan ka ngayon at sa halip na gamitin ang oras upang umunlad, pinili mong maging bitter.

It is unfortunate na masusumpungan din ito sa simbahan. Masaya tayo kapag tayo ay sentro ng atensiyon. Masaya tayo kapag sinusuportahan tayo ng mga kapatid. Pero sa sandaling may kapatid na nagkaroon ng mas malaking ministri, nagkaroon ng mas malaking atensiyon, samakatuwid ay mas “matagumpay” ( whatever that means), we become resentful. This is a sign that you have discontent. Gaya ng mga apostol ng unang siglo, nais mong maging dakila pero ayaw mong maging alipin.

Sa parabula ng Mateo 20, ang mga manggagawang may masamang mata ay nakatutok sa gawa ng mga bagong dating. Laging may kumparasyon. Nauna akong magtrabaho, mas mahaba akong nagtrabaho, dahil nabilad ako ay mas marami akong sinakripisyo- meaning, praise me, make a statue of me (I am sure hindi ka naman magki-claim na sambahin ka). But the point of the parable is work and leave the rewarding to Christ. Siya ang faithful and righteous Rewarder. Hindi tayo dapat mag-alalang mababalewala.

Remember, someone’s loss does not mean you’re gain. Maybe you both lost. That applies to rewards as well.

Ang nakalulungkot ay nagdurusa ang ministry. A ministry divided won’t prosper. Hindi nga kaya ni Satanas na pag-isahin ang kahariang hati, paano pa kaya ang mga hamak na mortal na gaya natin?

Tingnan natin ang paligid. Ilang ministries ang effectively dead? Ilan ang nagi na lang ritwal- sinasagawa pero walang buhay, walang direksiyon. Ginagawa just for the sake of doing it. To “become like the other nations” (that is, ginagaya ang ibang churches)?

Effective ministry requires teamwork and teamwork will not exist where there is envy and discontent. Kahit ako, I’d rather withdraw and protect my peace than makipagbangayan sa isang gawaing wala namang apresasyon ay puno pa ng akusasyon. There are so many other ways to serve God and edify the brothers without buying into the drama, power struggle or playing king of the mountains.

If we want to be happy, do not be envious. Isipin mo na lang na kung ano mayroon ang iba, that is a token na ang Diyos ay may ibibigay din sa iyo. That means whatever is supposed to be yours ay darating at the right time.

Envy and contentment cannot coexist together in human hearts. Choose which one will predominate.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION