A masterpiece

 



Sometimes iniisip nating we are a mistake. Siguro kayo ay unwanted child. Nabuntis ang inyong mga magulang nang sila ay bata pa. Marahil ikaw ang kanilang sinisisi kung bakit hindi nila natupad ang kanilang pamgarap. Iniisip mong sana hindi ka na lang ipinanganak.

Or marahil lagi ka na lang bigo. Gusto mong mag-top sa klase pero laging may nakatataas sa iyo. Hindi ka nagwawagi ng mayor na pwesto sa mga patimpalak. Kaya iniisip mong ikaw ay isang failure. Isa kang mistake. So inisip mong sana hindi ka na ipinanganak.

Or you can think of so many other reasons to think you are a mistake. But you’re God’s creation. And God does not make any mistake.

What you think as a mistake is part of what makes life worth living for. May isang farmer na tinanong upang magdasal ng isang pastor. Sa Kaniyang panimula, “Lord ayaw ko ng harina, ayaw ko ng asin at ayaw ko ng butter…” Sa puntong ito napapatanong ang pastor kung saan tutungo ang prayer na ito. “Pero Lord kapag pinagsama-sama ang mga ito makagagawa ng isang keyk. Ganuon din sa buhay. Salamat po Lord sa magagandang bagay at sa hindi magagandang bahay dahil excited akong malaman kung ano ang Iyong niluluto. Amen.”

Maybe kaya nasabi nating tayo ay mistake ay dahil hindi pa tapos ang Diyos sa Kaniyang niluluto sa ating mga buhay. Marahil gagamitin Niya ang mga ito nilang sangkap sa iyong ikasasakdal.

Trust the process because God is behind the process.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION