Teach your children
It is disgusting the hatred na nagkakalat sa social media ngayon. Celebrating the death of a peaceful man na ang tangis nais ay to reach the other side and dialogue. Unfortunately, kung hindi natin ii-insulate ang isipan ng ating mga anak, mamanahin nila ang hatred ng father of murderers- si Satanas.
Kung mayroon tayong dapat matutunan sa nangyari kay Kirk ito ay ang pangangailangang maging handa espirituwal. Maikli ang buhay, manampalataya kay Cristo habang may panahon pa.
Ang ikalawang leksiyong ating dapat matutunan ay protektahan natin ang ating mga anak. Turuan natin sila ng Salita ng Diyos bago nila matutunan ang kaisipan ni Satanas.
Nakalulungkot na may mga umiikot na balitang mga gurong ine-expose ang mga estudyante sa shocking footage ng murder of Kirk. Sasabayan pa ito ng indoctrination ng doctrine of hate, and we wonder bakit ang ating mga anak ay radicalized? Saan natuto ang ating mga anak na balewalain ang kahalagahan ng buhay?
Turuan natin sila ng kahalagahan ng buhay. Turuan natin sila ng kalayaang ng pagpapahayag nang hindi natatakot na mabaril sa leeg ng mga hindi sang-ayon. Turuan natin silang manindigan sa kanilang Christian convictions.
Kung hindi natin sila uunahan, the only thing they will learn is Satan's hatred. Hindi nila mauunawaan ang pag-ibig at biyaya ng Diyos.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment