Relative righteousness

 


Ayon sa Roma 3:10, walang matuwid kahit isa. Anumang katuwirang ating taglay, ito ay hindi abot sa katuwiran ng Diyos (Roma 3:23).

Nakalulungkot na maraming nagpapalagay na sila ay matuwid at minamata ang iba. Ang kanilang attitude ay mas hawig sa Pariseo ng Lukas 18 kaysa sa publikanong ayon mismo kay Jesus ay umuwing inaring matuwid. 

Ano ang pagkakaiba? 

Ang Pariseo ay nagmamalinis sa kaniyang sarili na nag-aakalang ang kaniyang mga ginawa ay sapat upang maging matuwid sa harap ng Diyos. 

Ngunit ang publikanong kinikilala ang kaniyang kasalanan ay ni hindi makatingin sa itaas kundi umaasa sa awa ng Diyos. 

Ang katuwiran ay hindi matatamo sa pagiging matuwid, lalo kung ang iyong sukatan ay katuwirang pantao. Sa halip ito ay binibigay sa lahat ng nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan. 

Maaari mong ubusin ang iyong buhay sa relihiyon, ngunit kung hindi ka nanampalataya kay Jesus, dadalhin ka lang nito sa impiyerno. Hindi makapagliligtasbang relihiyon. Si Cristo, hindi ang relihiyon, ang namatay sa krus sa pagbayad ng ating mga kasalanan. 

Huwag tayong umasa sa ating sariling katuwiran. 

Minsan sinisikap nating maging banal kagaya ng santong ito o santang ito. Ngunit ang katotohanan, walang santo o santa (kung totoong santo o santa man sila) ang maliligtas ng sarili niyang katuwiran. Sa Biblia, ang santo o santa ay ang nanampalataya kay Jesus at ang kaniyang pananampalataya ay binilang na katuwiran. 

Tigilan natin ang pagsubok na kunin ang pabor ng iba. Ang kaligtasan ay hindi sa pangagaya. Ang iyong ginagaya ay isa ring makasalanang nangangailangan ng kaligtasan. 

Sa halip manampalataya tayo kay Jesus. Siya at tanging Siya ang makapagbibigay ng buhay na walang hanggan sa lahat ng nanampalataya sa Kaniya. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Nangungulila sa isang Ama

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION