Minsan magtagahiling sa ibaba, baka ma-stiff neck ka
By nature, galit tayo sa mga mapagmataas. Ayaw nating minamaliit. I suspect it is not because we are virtuous, it is more because we want to do the looking down ourselves. We're irate others do what we want ourselves to do.
Guess what? If you look down on everyone, you're not looking up. It is hard (if not impossible) to have a godly thinking if you're absorbed with your own goodness.
Kilala ninyo sila. Mga taong laging tama sa kanilang paningin at feeling hindi nagkakamali. Mabilis silang pumuna sa iba, pero hindi nila nais punain. Nakikita nila ang kamalian but never ang kabutihan ng iba.
They walk with a judgmental mindset. They do not understand grace.
Spend one hour with them and I guarantee you will have one hour na pinupuri nila ang kanilang ginawa at pinupuna ang iba na hindi nila nagawa ang kaniyang ginawa.
It is always me and I. Kung makapasok man ang Diyos sa usapan, it is along the line of, "Salamat sa Diyos dahil binigyan Niya ako ng oportunidad na..." Or, "Mali ka, tama ako dahil kakampi ko ang Diyos." Kung makapasok man ang iba sa usapan, it is along the line of, "Matagal nang Cristiano si ganito at ganiyan, bakit..." O, "Hindi kita mapagkakatiwalaan for reasons..."
There is only a place of one in his heart and I guarantee it is not kapwa.
Let's look up. God is up there. We're down here. Let's not forget the difference.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment